Bubuksan sa publiko sa September 7 ang Precinct Finder ng Commission on Elections (COMELEC) para sa 2026 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections.
Sa pamamagitan nito, maaaring malaman ng mga botante ang kanilang polling place bago ang halalan sa September 14.
Kailangang ihanda ng mga botante ang kanilang buong pangalan, araw ng kapanganakan at lugar ng pagpaparehistro upang magamit ang Precinct Finder.
Sa ngayon, 12 araw na lamang bago idaos ang 2026 BARMM Parliamentary Elections.