Bumaba ang Trust at Satisfaction Ratings ng Senado, habang bahagyang bumuti naman ang public opinion sa Kamara batay yan sa second quarter 2026 survey ng OCTA Research.
Sa survey, bumaba mula 44% sa 41% ang tiwala ng publiko sa Senado, habang tumaas mula 24% sa 27% ang distrust.
Bumaba rin mula 42% sa 38% ang satisfaction sa performance ng Senado
Samantala, bahagyang tumaas naman mula 36% sa 38% ang tiwala sa House of Representatives, habang bumaba mula 33% sa 28% ang distrust.
Tumaas din mula 35% sa 37% ang satisfaction sa performance ng Kamara, habang bumaba mula 35% sa 32% ang dissatisfaction.
Ayon sa OCTA Research, isinagawa ang second quarter 2026 TNM survey mula July 4 hanggang 11, kasabay ng pagbabago sa leadership ng Senado at pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte noong July 6.
