Pinaalalahanan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga shipowner gayundin ang mga licensed manning agency na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga Pinoy Seafarer at igalang ang karapatang huwag maglayag sa mga peligrosong ruta o lugar.
Ito ang iginiit ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac kasunod naman ng pinakabagong insidente ng pag-atake sa mga barkong dumaraan sa Strait of Hormuz sa isang Saudi-operated oil tanker na ikinasawi ng dalawang Pinoy Seafarers.
Sinabi ng kalihim na dapat gawing prayoridad ng mga shipowner ang kaligtasan ng mga Pinoy seafarer at ilayo sila sa anumang kapahamakan.
Dapat aniyang igalang ng mga shipowner ang pasya ng mga seafarer na huwag pumalaot para na rin sa kanilang kaligtasan.
Dagdag pa ni Cacdac, dapat ding sumunod ng mga shipowner sa mga hinihining rekestos bago maglayag sa mga lugar na matiding naapektuhan ng sigalot o may mataas na bantang pangseguridad.
Kasunod nito, sinabi ng Kalihim na kanilang titingnan kung nasunod ba ang mga patakarang pangkaligtasan na siyang bahagi naman ng gumugulong na imbestigasyon.