Agad na nagpatupad ng mga hakbang ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) upang mapahupa ang baha sa Tulaoc Bridge sa bahagi ng San Simon sa Pampanga na nagdulot ng matinding aberya sa mga motorista.
Ito’y ayon sa Department of Transportation (DOTr) ay bilang tugon na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na magkasa ng mga hakbang upang mabilis na maibalik ang normal na sitwasyon sa NLEX.
Kaugnay nito, naglagay ng concrete barriers ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang operator ng NLEX sa expressway upang magsilbing pansamantalang harang sa pagpasok ng baha.
Dumating din ang ikalawang batch ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para tumulong sa emergency flood-mitigation at disaster response operations.
Bukod dito, namahagi rin ang MPTC ng pagkain at inumin sa mga stranded na motorista.
Nagpasalamat naman si Transportation Secretary Banoy Lopez sa pagtugon ng NLEX para matulungan ang mga apektadong motorista.
Magugunitang kaapon, epektibo ang libreng toll para sa mga sasakyan na magmumula sa Pulilan, Bulacan hanggang San Fernando, Pampanga at vice versa.

