Senate of the Philippines
Pinagbigyan ng Sandiganbayan 3rd Division ang mosyon ni Senador Rodante Marcoleta na payagan siyang magpagamot sa labas ng piitan.
Ayon kay Sandiganbayan 3rd Division Chairperson Karl Miranda, isang araw na furlough ang ipinagkaloob sa senador matapos siyang ma-diagnose ng prostate enlargement, hypertension, at dyslipidemia.
Matatandaang si Marcoleta ay nakapiit sa New Quezon City Jail sa Payatas kaugnay ng kasong plunder dahil sa umano’y hindi naideklarang mga donasyon sa kanyang kampanya sa pagka-senador.
Nauna nang tinutulan ng prosekusyon ang naturang mosyon, dahil galing umano sa personal na doktor ng senador ang diagnosis at hindi mula sa mga doktor ng pasilidad kung saan siya nakakulong.