Itinutulak ng Psychological Association of the Philippines na bukod sa pagpapalakas at pagpapaigting ng seguridad sa mga paaralan ay napapanahon nang matutukan na rin ang mental well-being ng mga mag-aaral.
Ayon kay Psychological Association of the Philippines President Dr. John Manuel Kliatchko, mahalagang mapagtuunan din ng pansin ang mental state ng mga estudyante at kung ano ang mga saloobin nila sa mga ganitong klaseng sitwasyon.
Higit umano sa online exposure, napakahalaga na maging maayos din ang kapaligiran at learning environment ng mga bata upang maiwasan ang ano mang violent tendencies.
Magiging malaking tulong din ayon sa Psychological Association of the Philippines ang pagha-hire ng DepEd ng School Counselor Associates, upang mas mabantayan ang mental well-being ng mga estudyante.