Pinag-aaralan pa ng House prosecution team ang pag-drop ng bribery charge (Article III) laban kay Vice President Sara Duterte upang mapabilis ang pag-usad ng impeachment trial sa Senado.
Ayon kay Bicol Saro Representative Terry Ridon mas nakikita niyang mas matibay o “compelling” ang kaso ng unexplained wealth (Article II).
Pero giit ni Ridon, hindi naman ibig sabihin nito na mahina ang kaso ng bribery.
Sinabi ni Ridon na pinuno ng prosecution team para sa Article II, inaasahang magkakaroon ng pinal na desisyon ukol dito sa loob ng isa hanggang dalawang linggo, kasabay ng pagtatapos ng kanilang presentasyon sa usapin ng confidential funds (Article I).