Photo courtesy of Department of Education (DepEd)
Aabot sa 10,131 na mga Paaralan sa buong bansa ang lumahok sa isinagawang National Simultaneous School Safety Drill ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, maging ang ibang pribadong mga paaralan aniya ay lumahok din sa pagsasanay.
Dahil sa matagumpay na drill, nagpaabot ng pasasalamat ang kalihim sa mga guro sa kanilang walang sawang pagprotekta sa mga mag-aaral sa lahat ng emergency.
Nabatid na layunin ng drill na palakasin ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya sa gitna ng mga active threat scenario alinsunod sa mga localized School Contingency Plan.
Habang pinapanatili ang kaligtasan, psychosocial well-being, at tuloy-tuloy na pag-aaral ng mga mag-aaral.