Kumpiyansa ang Department of Economy Planning and Development (DEPDev) na ang pagbaba ng presyo ng pagkain at kuryente ang naging susi upang mapanatiling matatag ang inflation ng bansa.
Ito’y matapos maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa 6.1% ang headline inflation nitong Agosto na bahagyang mababa sa 6.2% nitong buwan ng Hulyo.
Ayon kay Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, sa kabila ng pananatiling matatag ng inflation, magpapatuloy pa rin ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para makatulong sa mga Pilipino.
Kabilang na riyan ang pagpapalakas sa ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) program at pagpapalawak ng KADIWA outlets sa 700.
Gayundin ang pamamahagi ng libreng bigas sa nasa 2.5 milyong Pilipino sa ilalim naman ng programang “Bawat Bayan Makikinabang” at pagbibigay ng ₱12 kada litrong fuel subsidy para sa mga tsuper ng pampublikong transportasyon
Patuloy ding pinaghahandaan ng Department of Agriculture (DA) ang epekto ng El Niño upang mapanatiling sapat ang supply ng pagkain.