Photo courtesy of Presidential Communications Office
Nakatakdang makatanggap ng salary adjustment ang mahigit 93,000 kawani ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng ₱8.68 bilyong pondo na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM).
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, tugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang mga oportunidad sa career advancement ng mga guro, at tiyaking may katumbas na kompensasyon ang kanilang professional growth.
Umaabot sa 93,344 reclassified positions ng mga guro at punong-guro ang makikinabang dito.
Gagamitin ang pondo para sa salary differentials ng mga kwalipikadong personnel sa ilalim ng Expanded Career Progression o ECP System para sa Fiscal Year 2025 at 2026.