Photo courtesy of Department of Energy
Umaasa ang Department of Energy (DOE) na sa susunod na taon liliit na ang singil sa system loss sa bill ng kuryente ng mga consumer.
Ito ay dahil ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, inaasahan na bago ang susunod na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tanggal na ang non-technical system loss.
Ito ay ang mga sinisingil sa consumer na ninakaw na kuryente mula sa mga grid. Malaki ang maaawas nito mula sa singil sa kuryente sa mga consumer.
Inaayos na ng kongreso na maipatupad ito at positibo si Garin na maisasakatuparan ito dahil sa mabilis na pagkilos ng pamahalaan.
Sa ngayon naman nauna nang inaayos ng pamahalaan na matanggal muna ang value added tax (VAT) ng system loss sa tulong na rin ng Bureau of Internal Revenue.
Umaasa si Garin, na matatapos na ang pagsasaayos ng pagtanggal ng VAT sa loob ng isang buwan.