Naglabas ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng kasong grave threats.
Ito’y ayon sa kanyang abogadong si Atty. Paul Lawrence Lim.
Ayon kay Lim, anuman ang usapin sa hurisdiksyon ay walang balak na takasan ng Bise Presidente ang batas.
“Regardless of the question on jurisdiction, she has no intention of evading the law and will continue to exercise all her legal remedies,” ani Lim.
Matatandaang nag-ugat ang kaso sa pahayag ng Bise Presidente sa isang online briefing, kung saan sinabi niyang may inutusan na siyang papatay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez sakaling siya ay mamatay.
Iginiit naman ni Duterte na mali ang konteksto sa kanyang pahayag.