Sa pananaw ng isang ekonomista na bagamat bumagal ang inflation ng bansa sa buwan ng Agosto sa 6.1% kumpara sa 6.2% noong Hulyo, kailangan pa ding magtaas ng interest rates ng Bangko Sentral upang mas manage ang inflation ng bansa.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay RCBC Chief Economist Michael Ricafort sinabi nito na hanggat mas mataas sa 4% ang inflation may posibilidad na magtaas ng interest rates ang central bank upang mapabalik sa Target na Inflation ng bansa na 2% hanggang 4%.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority nasa 5.2% ang inflation ng bansa mula Enero hanggang Agosto ng taong kasalukuyan.