Nanawagan si Senate President Sherwin Gatchalian ng mahigpit na fiscal discipline kasunod ng pagtatala ng gobyerno ng record-high na utang noong July.
Ayon kay Gatchalian, kailangang matiyak na ang mga inuutang ng pamahalaan ay nauuwi sa pangmatagalan at konkretong benepisyo para sa ekonomiya at mga Pilipino.
Binigyang-diin din ng senate president ang pangangailangang palakasin ang pangongolekta ng kita ng gobyerno at isara ang mga butas na nagdudulot ng revenue leakages para maabot ng mga government revenue-generating agencies ang kanilang mga target.
Sa pagbusisi naman ng Senado sa 2027 national budget, sinabi ni Gatchalian na palalakasin nila ang mga probisyon para sa transparency at accountability para mabawasan ang mga puwang para sa korapsyon.
Giit ng senador, responsibilidad ng kasalukuyang henerasyon na tiyaking ang mga pondong hiniram ng gobyerno ngayon ay hindi magiging mabigat na pasaning pinansyal para sa susunod na henerasyon. | ulat nu Nimfa Asuncion