Sasabak si Filipino tennis superstar Alex Eala laban kay Janice Tjen ng Indonesia sa kanyang homecoming match sa Disyembre 8 sa Philippine Arena sa Bulacan.
Sa isang video message, sinabi ni Eala na makakalaban niya si Tjen sa isang exhibition match na pinamagatang “Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate” na inorganisa ng Tatler Sports sa pinakamalaking arena sa bansa na may kapasidad na mahigit 50,000.
“Get ready for an unforgettable day of world-class tennis and the celebration of national pride, designed to inspire the next generation of Filipino tennis players,” wika ni Eala.
“I can’t wait to share this moment with you and celebrate our culture together,” dugtong pa niya.
Sa kasalukuyan, si Eala ay No. 18 sa WTA rankings, na siyang pinakamataas sa mga manlalaro mula Southeast Asia.
Nakatambal na si Eala si Tjen sa doubles event ng Abu Dhabi Open kung saan umabot sila sa semifinals.
Pasok si Eala sa third round ng US Open matapos idispatsa sina Mary Stoiana sa first round, 6-1, 6-2, at Oleksandra Oliynykova, 6-1, 6-4, sa second round.
Sunod na makakalaban ni Eala ang malapit na kaibigan na si Iva Jovic bukas, araw ng Linggo, 7:00 AM oras sa Pilipinas.