Binuksan na ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng Board of Foreign Service Examinations, ang aplikasyon para sa 2027 Foreign Service Officer Examinations o FSOE.
Layunin nitong makapag-recruit ng mga kwalipikadong kandidato para sa posisyon ng Foreign Service Officer, Class IV.
Ayon sa anunsyo ng kagawaran, ang pagsusulit ay binubuo ng apat na yugto: Qualifying Test, Written Test, Psychological Test, at Oral Test.
Ang Qualifying Test ay itinakda sa Enero 24, 2027 at isasagawa sa iba’t-ibang testing centers sa buong bansa.
Kailangan namang makapasa ang mga aplikante sa bawat yugto upang makausad sa susunod na bahagi ng pagsusulit.
Bukas ang aplikasyon para sa mga natural-born Filipino na nagtapos ng bachelor’s degree at may hindi bababa sa dalawang taong karanasan sa trabaho matapos ang kanilang pag-aaral.
Tatanggapin ang mga aplikasyon mula Setyembre 16 hanggang Oktubre 30 ngayong taon sa pamamagitan ng sa BFSE Secretariat, mga DFA Consular Office, at mga Embahada o Konsulado ng Pilipinas sa ibang bansa.
inihikayat ng DFA ang mga interesadong aplikante na tiyaking kumpleto ang kanilang mga dokumento at natutugunan ang lahat ng kwalipikasyon, dahil hindi nito tatanggapin ang mga kulang o huling aplikasyon.