Binigyang-diin ng Presidential Communications Office (PCO) na propesyunal ang Philippine National Police (PNP) sa pangangalaga sa karapatan ng lahat ng taong nasa ilalim nila na dapat na bigyan ng proteksiyon.
Ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro, walang pagkiling at walang pulitika ang pulisya sa pagtupad ng kanilang mandato para sa mga Pilipino.
Buo aniya ang tiwala nila sa liderato ng Pambansang Pulisya at sa hanay nito.
Kung may agam-agam aniya o reklamo hinggil sa aksyon ng pulisya ay maaaring ipaabot ang sa pamamagitan ng legal na pamamaraan at hindi sa pagsasagawa ng mga usaping wala namang pinagbabatayan.
Binigyang diin rin ni Castro na ang kasalukuyang administrasyon ay hindi papayag na maging sandata ang kapulisan sa anumang karahasan.