Posibleng umabot sa 5 million metric tons ang aangkating bigas ng bansa sa pagtatapos ng taon dahil sa inaasahang matinding El Niño.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni Department of Agriculture Assistant Secretary at Spokesman Arnel de Mesa na nasa 3.6 million metric tons na ang rice imports hanggang katapusan ng Agosto.
Mas mataas ito sa inaangkat na bigas noong nakaraang taon, na umabot sa 3.8 million metric tons.
Noong 2024, nang magkaroon ng El Niño, umabot sa 4.81 million metric tons ang rice imports ng bansa.
Ayon pa kay De Mesa, maaaring tumaas pa ang imports kung magtutuloy ang El Niño hanggang 2027 at maaapektuhan ang produksyon sa dry season.
Gayunman, hindi inaasahang agad na tataas ang presyo ng palay dahil maganda pa ang produksyon at sapat ang kasalukuyang imbentaryo.