May bagong oportunidad para sa mga naghahanap ng trabaho dito sa bansa at ibayong dagat dahil tampok ang mga ito sa Local and Overseas Mega Job Fair 2026 ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.
Isasagawa ang job fair sa darating na Setyembre 12, Sabado, sa Isetann Cinema Complex, sa pangunguna ng Manila Public Employment Service Office o Manila PESO.
Inaanyayahan ang mga kwalipikadong job seeker na samantalahin ang pagkakataong makahanap ng trabahong angkop sa kanilang kakayahan at kwalipikasyon.
Pinapayuhan ang mga aplikante na magdala ng updated resume at ballpen, at maging handa para sa interview at posibleng hiring on the spot.
Mayroon ding One Stop Shop kung saan maaaring makakuha ng serbisyo mula sa SSS, Pag-IBIG, PhilHealth, BIR, DMW, PSA, TESDA, at Manila City DRRM Department.