Photo courtesy of LGU Burgos, La Union
Patuloy na nakikinabang ang mga mamamayan sa La Union sa Bagong Pilipinas Rice Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa bayan ng Burgos, matagumpay na naidaos ang ikatlong yugto ng pamamahagi ng tig-10 kilong libreng bigas sa mga mamamayan.
Napondohan ang proyekto sa ilalim ng Local Government Support Fund – Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGU) FY 2026.
Nananabik ang lokal na pamahalaan sa pagdaraos ng ikaapat na yugto ng pamamahagi ng libreng bigas sa mga mamamayan sa susunod na mga araw.
Ito’y katuparan ng ninanais ni Pangulong Marcos Jr. na matulungan ang mga mamamayan na nakaranas ng mga matitinding hamon upang mas mabilis silang makabangon muli. | ulat ni Glenda B. Sarac | RP Agoo