Screenshot
Isasailalim sa Yellow Alert ang Visayas Grid mula alas-6 hanggang alas-9 ng gabi ngayong ngayong ika-6 ng Setyembre.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, nasa 2,405 megawatts ang available capacity ng grid, habang 2,295 megawatts ang peak demand.
Kabuuang 877.5 megawatts ang hindi available sa grid dahil sa mga power plant na nasa forced outage at mga plantang nag-ooperate sa mas mababang capacity.
Kabilang sa mga dahilan ng Yellow Alert ang hindi pag-operate ng malalaking coal plants na TVI-1 at PEDC-3, deration ng PCPC, at limitadong power import mula Mindanao.
Ayon sa NGCP, ipinapatupad ang Yellow Alert kapag hindi sapat ang operating margin para matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.