Muling nagpatupad ng panibagong balasahan sa hanay ng mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa dokumentong nakuha ng Radyo Pilipinas, kabilang sa mga binalasang opisyal ay sina Eastern Police District (EPD) Director, PBGen. Melecio Buslig Jr na nilipat sa Firearms and Explosives Office (FEO)Gayundin si Southern Police District (SPD) Director, PBGen. Glenn Oliver Cinco na inilipat naman bilang hepe ng Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA).
Ang FEO ang siyang namamahala sa regulasyon, legal ownership at kontrol sa mga armas habang ang SOSIA naman ang siyang namahala sa regulasyon, lisensya at pagtingin sa mga security agency at parehong nasa ilalim ng Civil Security Group ng PNP.
Papalit kay Buslig sa EPD si PBGen. Roman Arugay habang si PBGen. Rodel Pastor naman ang siyang papalit kay Cinco sa SPD.
Mula naman sa Police Regional Office 8 (Eastern Visayas), ililipat si PBGen. Jason Capoy sa Human Rights Affairs Office (HRAO) ng PNP habang si Police Regional Office Negros Island Region (PRO-NIR) Director, PBGen. Romano Cardiño ang papalit kay Capoy sa PRO8.
Papalit namn kay Cardiño sa PRO Negros Island Region si PBGen. Rudecindo Reales Batay sa kautusan ni PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., epektibo ang naturang balasahan ngayong Lunes, Setyembre 7.