Umabot na sa 3,043,132 family food packs (FFPs) ang naipamahagi ng DSWD hanggang sa mga pamilyang naapektuhan ng mga bagyo at Habagat.
Kabilang sa mga lugar na nakatanggap ng augmentation support ang NCR, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, at CAR.
Samantala, patuloy ang relief operations ng DSWD sa iba’t ibang lugar. Kabilang rito ang Zaragoza, Nueva Ecija kung saan 3,000 FFPs ang naipamahagi sa apat na barangay nitong linggo.
Napadalhan din ng food packs ang mga residente sa Bani, Pangasinan, at Meycauayan, Bulacan.
Patuloy ang DSWD sa paghahatid ng tulong sa mga apektadong komunidad, katuwang ang mga local government units at iba pang ahensya, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.