IN PHOTOS | Education Secretary Sonny Angara reaffirmed the essential role of teachers and parents in protecting learners' well-being and ensuring schools remain safe environments, following a recent tragic incident in Zamboanga City. To support this initiative, the Department of Education is strengthening nationwide mental health interventions, deploying School Counselor Associates, and broadening community partnerships to bolster crisis response and early intervention.
Magandang balita para sa mga guro sa pampublikong paaralan sa buong bansa. Nakatakda silang makatanggap ng mas mataas na sweldo, ₱10,000 taunang teaching allowance, mas malawak na oportunidad para sa promosyon, at karagdagang mga benepisyo sa ilalim ng panukalang 2027 National Expenditure Program (NEP).
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) nitong Sabado, Setyembre 5, isinailalim ng administrasyong Marcos ang kapakanan ng mga guro sa gitna ng halos ₱1-trillion na pondong nakalaan para sa Department of Education (DepEd).
Sa ilalim ng 2027 NEP, iminumungkahi ang ₱975.96 bilyong pondo para sa DepEd — mas mataas ng 5.11 porsyento kumpara noong 2026. Sa nasabing dagdag sa badyet, ₱61.02 bilyon ang ilalaan sa Personnel Services para sa mas mataas na pondo sa sahod ng mga guro at iba pang kawani.
Inihayag ni DBM Acting Secretary Kim Robert de Leon sa isang panayam sa media na malaking bahagi ng mga manggagawa sa gobyerno ay mga guro, kaya naman pangunahing prayoridad ang kanilang kapakanan sa pambansang badyet.