Tiniyak ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na may nakalaang pondo ang pamahalaan para sa pagpapatuloy ng benteng bigas program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino.
Sa ilalim ng Benteng Bigas Meron Na!, layong maabot ng programa ang hanggang 60 milyong Pilipino hanggang June 2028.
Ayon sa kalihim, nakatutulong ang programa ngayon sa mga pamilyang apektado ng mataas na presyo ng pagkain.
Kasabay nito, palalakasin din ng DA ang papel ng National Food Authority sa pagbili ng mas maraming palay mula sa lokal na magsasaka, na maaari ring makatulong sa suplay ng subsidized rice.