May bagong tulay nang nadaraanan ang mga residente ng Barangay North Fairview at Sta. Lucia.
Personal na ininspeksyon ni Mayor Joy Belmonte ang bago at mas matibay na pedestrian bridge na nagkokonekta sa North Fairview at Sta. Lucia.
Ang bagong kabig na steel pedestrian bridge ay kapalit ng hanging bridge na nasira at gumuho dahil sa malakas na agos at walang patid na pag-uulan noong 2025.
Ayon sa alkalde, tinaasan ang bagong tulay para hindi agad maapektuhan sakaling tumaas ang tubig sa ilog.
Plano naman ng LGU na lagyan ng solar-powered lights ang tulay para sa kaligtasan ng mga dumaraan, habang maglalagay din ng wire mesh sa railings para maiwasan ang aksidente.