Ikinokonsiderang ng arestado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si dating House Speaker Martin Romualdez.
Ito ay matapos na maisilbi sa kaniya ang warrant of arrest sa kasong plunder sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City kaugnay ng maanomalyang flood control project.
Sa panayam ng media kay Remulla, sinabi niya na naka-confine si Romualdez sa naturang ospital dahil sa Ccardiovascular event at hindi stable ang kaniyang blood pressure, at mayroon rin anxiety attack.
Dinala rito si Romualdez dito kaninang pasado alas-4 ng hapon.
Ayon kay Remulla, mananatili si Romualdez sa naturang ospital hanggang maging stable ang kaniyang kondisyon pero mayroong armed guards sa labas ng kaniyang kwarto at labas ng ospital.
Tiniyak naman ni Remulla na hindi makakapagtago si Romualdez sa likod ng kaniyang mga yaman. Aniya kahit gaano kayaman si Romualdez ay hindi niya kayang bayaran ang batas.