Kasalukuyang sumasailalim sa booking procedure sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City si dating House Speaker Martin Romualdez.
Ito ay matapos niyang personal na tanggapin ang warrant of arrest sa harap ng kaniyang mga abogado at doktor.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, nag-uusap ngayon ang mga doktor ni Romualdez at ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng estado ng kalusugan ng dating House Speaker.
Bukas aniya ng umaga ay maghahanda sila ng report na ipapadala sa Sandiganbayan. Araw-araw din umanong imo-monitor ang kaniyang kondisyon upang malaman kung maaari na siyang iharap sa korte.
Tiniyak naman ni Remulla na gagawin ng DILG ang lahat upang madala sa hustisya si Romualdez.
Nang tanungin naman si Remulla tungkol sa kasalukuyang kalagayan ni Romualdez, sinabi niyang very pale o maputla ito. Nandito rin umano ang anak ni Romualdez nang isilbi sa kaniya ang warrant of arrest.