Photo courtesy of Presidential Communications Office (PCO)
Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang solid waste management system na ipinatutupad ng Lungsod ng Marikina.
Sa kanyang pag-inspeksiyon sa Materials Recovery Facility (MRF) ng Marikina, sinabi ng Pangulo na malaki ang nagawa ng sistemang ipinatutupad ng Marikina sa aspeto ng solid waste dahilan para hindi na ganoon kabilis ang pagbaha sa siyudad.
Base sa sistemang iniaaplay ng Marikina, ang basurang nakokolekta ay nire-recycle sa ibang bagay para muling mapakinabangan
Ayon sa Pangulo, dapat na tularan at bumuo rin ng kahalintulad na sistema ang ibang mga bayan at lokal na pamahalaan gaya ng ginagawa ng Marikina
Hindi kasi umano sapat na pumunta lang sa ilog at magkaroon ng desilting.
Malaking bagay din sabi ng Pangulo na magkaroon ng sistema sa pamamahala ng basura pagdating sa flood control para matugunan din ang pagbaha.