📷 PNP
Inaasahan ng Philippine National Police (PNP) na mapapalakas ang puwersa nito sa pamamagitan ng pondong ilalaan para punan ang mga bakanteng posisyon sa hanay ng pulisya.
Sa ilalim ng panukalang pambansang budget para sa 2027, makatatanggap ang PNP ng pondo para sa pagre-recruit ng 2,000 bagong patrolman at patrolwoman.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), mahigit ₱700 milyon ang ilalaan para dito.
Sinabi naman ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na mas mapapaigting ang police visibility at ang pagpigil sa krimen kapag nadagdagan ang kanilang tauhan.
Inaasahan ding makatutulong ang pondo upang makamit ang target ratio ng populasyon sa bilang ng mga pulis sa bansa.
Samantala, pinaiigting din ng PNP ang presensya ng pulisya sa pamamagitan ng Enhanced Managing of Police Operations, na itinuturing na mahalagang salik sa patuloy na pagbaba ng mga pangunahing krimen.