Sinisiguro ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Acting Chairperson Atty. Greg Pua Jr. ang patas at maayos na proseso ng aplikasyon para sa special permits sa Undas.
Sisimulan na ang filing ng applications sa September 21 hanggang October 2 upang matiyak ang sapat na pampublikong transportasyon para sa mga uuwi sa kanilang mga probinsya.
Binigyang-diin ni Pua na walang “palakasan system”, alinsunod sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez.
Layunin ng maagang pagproseso na mabigyan ng sapat na panahon ang LTFRB na suriin ang mga dokumento at tiyakin ang roadworthiness ng mga unit.
Ang special permits ay magkakabisa mula October 28 hanggang November 6.
Noong nakaraang taon, mahigit 800 passenger buses ang nabigyan ng special permits para sa Undas.