Siniguro ng Malacañang na hindi bababa ang kalidad ng operasyon ng Office of the President (OP), kahit pa nasa two-thirds ang cut ng pondo nito, sa ilalim ng 2027 National Budget.
Pahayag ito ni Executive Secretary Ralph Recto kasunod ng panel endorsement ng House appropriations, para sa ₱10.15 billion budget request ng OP, sa susunod na taon.
Ang halagang ito ay 64% na mas mababa kumpara sa ₱28 billion budget ng OP, ngayong 2026.
“It is equivalent to one-seventh of one percent of the proposed ₱7.2 trillion national budget.” -Recto
Ayon sa kalihim, sapat ang pondong ito, para sa patuloy na trabaho ng OP, mula sa pag-responde sa emergency, pagbababa ng serbisyong publiko sa mga nangangailangan, at pag-monitor ng economic plans at pag-protekta sa national interest ng Pilipinas.
“We are asking for less while remaining fully prepared to do more.” -Recto
Kung matatandaan, ang budget cut na ito, kasunod ng ginagawang streamlining ng OP sa operasyon nito, at sa harap na rin ng pagtatapos ng hosting ng Pilipinas sa ASEAN Summit ngayong 2026.