Hindi tatakasan at hinding-hindi uurungan ni dating House speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga isinampang kasong plunder laban sa kanya sa Sandiganbayan.
Ito ang mariing tiniyak ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng Partido Lakas, kasabay ng pahayag na kailanman ay hindi nagtago o umiwas sa mga paratang ang dating lider ng Kamara.
Dagdag pa ng mambabatas na hindi kailanman lumabas ng bansa ang dating speaker at patuloy na nakikiisa sa mga imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure at Ombudsman.
Ito ang tugon ni Adiong na kasalukuyang spokesperson ng Partido Lakas matapos magsampa ng kasong pluder ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan laban sa dating house leader.
Ayon pa kay Adiong, hindi na kailangan pang manawagan ng patas na pagdinig dahil likas na obligasyon ng mga institusyon ng hustisya ang magbigay ng patas na pagtrato at due process sa buong proseso ng paglilitis.