Umabot sa record na 12,029 examinees ang kumuha ng unang araw ng 2026 Bar Examinations noong Setyembre 6, pinakamataas na first-day turnout sa kasaysayan ng pagsusulit.
Ayon kay Supreme Court Associate Justice at 2026 Bar Examinations Chairperson Samuel H. Gaerlan, 13,441 aplikante ang opisyal na pinayagang kumuha ng Bar mula sa 14,291 na unang nag-apply.
Sa mga kumuha ng pagsusulit, 6,773 ang babae, 285 ang senior citizens at 304 ang persons with disabilities. Pinakabata sa mga examinee ang 24-anyos habang pinakamatanda ang 84-anyos.
Isinasagawa ang pagsusulit sa 15 local testing centers sa buong bansa at may 2,469 personnel na nakatalaga upang tiyakin ang maayos na operasyon.
Ngayong taon din unang isinasagawa ang Bar sa ilalim ng 2025 Amendments to Rule 138 of the Rules of Court, habang nananatiling digitalized at regionalized ang pagsusulit.
Magpapatuloy ang Bar Examinations sa Setyembre 9 at 13, habang target ilabas ang resulta sa unang bahagi ng Enero 2027.