Umabot sa P29.75 milyong halaga ng mga investment sa Securities ang nakuha ng asawa ni Vice President Sara Z. Duterte na si Atty. Manases “Mans” Carpio.
Ito ang ibinunyag ng House prosecution habang inilalatag ang mga rekord pinansyal sa ilalim ng artikulo 2 o “unexplained wealth” o hindi maipaliliwanag na yaman ng Bise Presidente.
Inihambing ni prosekusyon ang mga nasabing investment sa nakasaad na P10.86 milyong “other assets” o iba pang ari-arian ni Carpio sa 2025 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni VP Duterte.
Inilahad ni House Prosecutor at Cagayan de Oro City Rep. Lordan Suanang paghahambing na ito sa kanyang paglalahad ng testimonya para kay Janet Amora, ang Vice President and Operations Head ng BDO Securities Corp., na siyang nagpatunay sa mga rekord ng mga investment ni Carpio sa stock at bond. | ulat ni Melany Reyes