Hihilingin ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Sandiganbayan na ilipat si dating House Speaker Martin Romualdez sa PNP General Hospital sa Camp Crame mula sa Cardinal Santos Medical Center.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, kayang tugunan ng PNP General Hospital ang medical condition ni Romualdez at maaaring ipagpatuloy ng kaniyang mga doktor ang kaniyang gamutan, depende sa pahintulot ng korte.
Inaresto si Romualdez nitong Lunes matapos ilabas ang warrant of arrest laban sa kaniya kaugnay ng P7.44-bilyong plunder case.
Sinabi ni Remulla na mananatili sa kustodiya ng gobyerno si Romualdez habang hinihintay ang karagdagang medical assessment at desisyon ng Sandiganbayan. Samantala, naka-deploy umano ang mga pulis para sa 24-oras na pagbabantay sa ospital.