Sa budget hearing ng ahensya, tinukoy ni Deputy Speaker at TUCP party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza na isang malaking ‘no-no’ ang paglalabas ng panibagong wage order gayong hindi pa nareresolba ang isyu sa Wage Order 27 na pinatawan ng injunction ng Pasig RTC.
Kinumpirma ni Atty. Roy Buenafe, Regional Director ng DOLE NCR at nangunguna rin sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng NCR na kagabi ay inaprubahan nila ang Wage Order 28.
Dito magbibigay ng P60 na umento sa sahod sa mga manggagawa sa Metro Manila. Katumbas ito nung unang tranche ng P85 wage increase dapat sa ilalim ng Wage Order 27.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Kamanggagawa party-list Rep. Eli San Fernando na lalo lamang pinagulo ng DOLE ang sitwasyon dahil sa naturang bagong wage order na pasikreto pa aniyang tinalakay.
Imbes kasi aniya na dagdag sweldo ay parang bawas sahod pa ang nangyari. Lugi rin aniya ang mga manggagawa dahil hindi tulad ng Wage Order 27 na dapat ay epektibo Hulyo, ang bagong wage order ay Setyembre lamang epektibo kaya mawawala ang back wages ng mga empleyado.
Tanong pa ng kinatawan sakaling maresolba na ang isyu sa Wage Oder 27, papayag ba ang DOLE na idagdag ang halagang ito sa P60 sa ilalim ng Wage Order 28.
Muling iginiit ni San Fernando pinakamainam pa ring solusyon ay ipatupad ng DOLE ang wage order 27. Dahil naman dito inaaral ni San Fernando na ipa-defer pa rin ang budget ng labor department gayundin ang pagharang sa Commission on Appointment par asa kumpirmasyon ni Labor Sec. Francis Tolentino