Nananatiling at large ang ilan sa mga kapwa akusado ni dating House Speaker Martin Romualdez na may kaugnayan sa kasong plunder na hawak ng Sandiganbayan 3rd Division.
Kabilang dito si dating Cong. Zaldy Co na nasa abroad, staff ni Romualdez na si Jocelyn Sereño, at isang Felicito Guevarra, presidente ng isang money changer corporation.
Ayon kay PNP-CIDG NCR Chief PCol. John Guiagui, batay sa inisyal na impormasyon, wala na sa kanilang mga rehistradong address ang mga akusado.
Tiniyak naman ni Guiagui na gagawin nila ang kanilang mandato para mahanap ang mga ito at maiharap sa korte.
Kaugnay nito, nilinaw din ni Guiagui na nadatnan na nila sa ospital si Romualdez nang silbihan ng warrant of arrest at hindi ito isinugod sa ospital matapos malaman na aarestuhin siya.