Pinatotohanan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pananagutin ang mga dapat managot sa pandarambong ng pondo mula mga maanomalyang Flood Control Projects.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, sinabi ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na pinatotohanan ng gobyerno na seryoso ito na panagutin ang mga may sala sa flood control anomalies maging sino man sila.
Dagdag pa ng kalihim na totoo sa naging pahayag si Pangulong Marcos Jr., sa kaniyang SONA nitong Hulyo na siya ay hindi pangulo ng kaniyang pamilya kungdi pangulo ng bansa.
Tinatayang mahigit sa pitong bilyong piso ang nawala sa kaban ng bayan at napunta sa korapsyon sanhi ng mga depektibo, substandard, at mga ghost infrastructure projects lalo pagdating sa Flood Control.