Nanindigan si dating Senate President Franklin Drilon na hindi “exempted” si Vice President Sara Duterte sa mga kasong kriminal kahit pa may hawak itong mataas na posisyon sa pamahalaan.
Sa panayam ng IBC kay Drilon, sinabi nitong pantay-pantay ang lahat sa ilalim ng batas anoman ang posisyon o estado sa buhay lalo na kung ang nasasakdal ay isang lingkod-bayan.
Pagdating naman sa pinagdaanang proseso ng bise presidente nang maghain ito ng piyansa sa Quezon City Regional Trial Court, giit ni Drilon na dumaan naman ito sa tamang proseso.
Nasa husgado na rin ang pagpapasya sa daloy ng proseso partikular sa naging pagbibigay na lang ng litrato ni VP Sara sa halip na kuhanan ito ng mugshot.