Nananatiling buo ang tiwala ng Pilipinas sa bansang South Korea bilang defense supplier nito.
Ito ang binigyang-diin ni Department of National Defense o DND Secretary Gilberto Teodoro Jr. kasunod ng naging matagumpay na bilateral meeting ng kalihim kay South Korean Minister of National Defense Ahn Gyu-back.
Bukod sa pagpapatibay pa ng ugnayang pang-depensa ng Pilipinas at South Korea, natalakay din sa pulong ang posibilidad ng co-producing ng dalawang bansa pagdating sa defense assets.
Giit ni Teodoro, hindi rin natitinag ang posisyon ng South Korea, kung saan binanggit nito na preferred defense partner din ng South Korea ang Pilipinas.
Sumang-ayon din ang bansang South Korea sa pagkakabilang ng Pilipinas sa defense industry ng nasabing bansa.
Ilan sa mga defense assets na na-procure na ng Pilipinas mula sa South Korea ay ang FA-50 fighter jets ng Philippine Air Force, gayundin ang Malvar-class frigates at Sulayman-class offshore patrol vessel ng Philippine Navy.