Sumampa na sa higit ₱2.2 million ang kabuuang humanitarian assistance na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan kabilang na rito ang 3.2 million family food packs na naipamahagi na sa iba’t ibang lokal na pamahalaan.
Sa panayam ng programang BOSES kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, sinabi nitong walang patid ang disaster relief operations ng DSWD lalo’t may ilang mga lugar pa sa bansa ang apektado ng pagbaha.
Pagdating naman sa suplay ng family food packs ay nananatili itong sapat dahil araw-araw din ang isinasagawang replenishment ng Luzon at Visayas Resource center.
Nasa maayos din na kondisyon ang logisitics at supply chain management ng DSWD kaya naman mas mabilis na naipapaabot ang tulong.
Umapela rin ngayon ang DSWD sa publiko na mag-volunteer sa mga repacking center nila sa Luzon at Visayas, upang mas marami pang family food packs ang magawa bilang karagdagang paghahanda sa mga posible pang kalamidad na tumama sa bansa.