Ginagawa ng House prosecution panel ang lahat ng paraan upang mapabilis ang pagdinig sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado.
Ayon kay legal spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., may mga konkretong hakbang na silang ginawa upang paikliin ang proseso—tulad ng ginawa nila grave threats at confidential funds.
Binigyang-diin niya na sa Article IV ng impeachment—na tumutukoy sa banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez—tatlong saksi lamang ang kanilang iniharap mula sa higit 10 na nasa listahan.
Bukod dito, malaki rin ang ibinaba sa kanilang listahan ng mga saksi para sa Article I, kung saan mula sa listahan na 30 na testigo ay napababa sa 10 na lamang.
Tiniyak ni Tolosa na gagawin din ng prosecution panel ang kaparehong diskarte sa pagpabilis ng pagdinig kapag isinalang na ang unexplained wealth ng Bise Presidente sa susunod na linggo.