Photo courtesy of House of Representatives
Kasabay ito ng kaniyang pakikiisa sa pagdiriwang ngayong buwan ng National Teachers’ Month.
Ayon kay Dy, malaking bahagi ng pag-angat ng bansa sa Programme for International Student Assessment (PISA) ay dahil sa mga gurong patuloy na nagtuturo, gumagabay at nagsasakripisyo para sa mga estudyante, sa kabila ng malalaking klase, kakulangan sa resources at iba pang hamon sa kanilang trabaho.
Sa PISA 2025, naitala ng Pilipinas ang pinakamataas nitong scores sa reading, mathematics at science.
Kabilang din ang bansa sa mga may pinakamalaking pagtaas sa reading performance sa nakalipas na dekada.
Sinabi ni Dy na bagama’t marami pang kailangang gawin para mapataas ang kalidad ng edukasyon, malinaw aniyang may progreso at malaking bahagi nito ay ambag ng mga guro.
Batid din aniya ang mga hamong kinakaharap ng mga guro, kabilang ang malalaking klase, kakulangan sa resources, tambak na paperwork at iba pang responsibilidad.
Binigyang-diin ng Speaker na higit pa sa pagtuturo ng mga aralin ang papel ng mga guro dahil tumutulong din silang hubugin ang pangarap, pag-asa, karakter at kinabukasan ng kanilang mga estudyante. Bunsod nito, ipinaabot ng House Speaker ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng guro para sa kanilang sipag, tiyaga at malasakit sa mga mag-aaral