Stable at ligtas sa anumang mga pagbaha ang lahat ng linya at substations ng National Grid Corporation of the Philippiines (NGCP) sa kabila ng serye ng pag-ulan sa Luzon dulot ng mga nagdaang bagyo at habagat.
Sa panayam ng Mark In, Mark Out kay NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza, sinabi nitong inaaral mabuti ng NGCP kung saan nila itatayo ang kanilang mga linya at substations na karaniwan ay nasa matataas na lugar at malayo sa flood-prone areas.
Sakali naman na hindi maiwasan ang pagtatayo ng linya at substation sa bahaing lugar ay may sinusundang disenyo ang NGCP upang maging operational pa rin ang kanilang mga grid station.
Dagdag pa ni Alabanza, na bagamat maganda at stable ang lagay ng kuryente sa Luzon ay hindi pa rin dapat magpaka-kampante at dapat dagdagan pa ang kapasidad nito.
Sa tulong kasi nito ay mas malaking bahagdan din ng energy capacity ang maipapahiram ng Luzon grid sa Visayas at Mindanao grid sakaling kailanganin ng mga ito ng dagdag pang kuryente.