Photo courtesy of AFP / Ted Aljibe
Nakakaalarma ang mga kamakailang pahayag ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng kawalan umano nito ng tiwala sa hukuman at sa pag-aangking hindi siya “safe” kapag humarap sa korte.
Ayon kay House prosecution legal spokesperson at counsel Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., nakakabahala ang mga salitang binitawan ng ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa lalo’t nahaharap ito sa usapin ng paglabag sa Saligang Batas.
Aniya, maaari nitong sirain ang tiwala ng publiko sa mga institusyon, lalo na sa hudikatura.
Idinagdag pa ni Tolosa na dapat suriin ng impeachment court kung ang mga pahayag ng Bise Presidente ay lumabag sa sub judice rule.
Tinawag naman ni Prosecutor Jonathan Keith Flores na “ironic” ang pahayag ni VP Sara.
Aniya, nakalilibot naman ang Bise Presidente sa iba’t ibang lugar nang ligtas, pero pagdating sa korte ay biglang nangangamba para sa kanyang seguridad.