Iginiit ng House prosecution team na dapat humarap at magpaliwanag sa publiko si Vice President Sara Duterte kaugnay ng isyu ng confidential funds, matapos ituro siya ng mga mismong testigo at hostile witness bilang pangunahing may responsibilidad dito.
Ayon kay House Prosecutor at Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores, panahon na upang madinig ng Senate impeachment court at ng publiko ang kanyang panig laban sa mga alegasyon ng maling paggamit ng pondo sa DepEd at OVP.
Aniya, magandang pagkakataon ito para pormal niyang masagot ang mga paratang.
Sinabi naman ni House Trial Spokesperson at Kabataan Party-list Rep. Renee na sang-ayon ang kanilang partido sa teorya ng prosekusyon hinggil sa kakaibang sistema ng paggasto ng confidential funds.
Diin niya, bilang pinuno ng ahensya ng OVP at dating kalihim ng DepEd, ang Bise Presidente ang may direktang pananagutan kaya’t nais ng taumbayan na siya ay magsalita na.