Posibleng magkaroon ng oral arguments sakaling hilingin ng House prosecution panel na ipa-subpoena si Vice President Sara Duterte, ayon kay Senate Impeachment Court spokesperson Atty. Reginald Tongol.
Pinunto ni Tongol na magkakontra kasi ang prosekusyon at depensa ngayon tungkol sa usapin ng pagpapaharap kay VP Sara.
Nitong Martes, una nang nagmanifest si private prosecutor Atty. Lorna Kapunan na plano nilang ipa-subpoena si VP Sara sa mga susunod na trial days.
Samantala, sinabi naman ni lead defense counsel Atty. Sheila Sison na tutol sila rito, batay sa constitutional rights ng isang akusado na tumangging magtestigo sa kanyang kaso.
Sinabi ng Impeachment Court spokesperson na kung magdesisyon ang Impeachment Court na isyu-han ng subpoena ang Bise Presidente at hindi siya humarap, ay kailangan na lamang niyang harapin ang anumang consequence nito. Binigyang-diin pa ni Tongol na kailangan anuman ang interpretasyon sa batas ay pagdebatehan.