Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) ang nasa ₱6.2 bilyong pondo para suportahan ang mga magsasaka at mangingisda bago ang inaasahang malakas na El Niño.
Ang pondo ay ilalaan sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport o UPLIFT.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, pangunahing ilalaan ang pondo para sa fuel subsidies ng mga rehistradong magsasaka at mangingisda, gayundin para sa fertilizer assistance.
Sa ngayon, hinihintay na lang ng DA ang Special Allotment Release Order (SARO) mula sa Department of Budget and Management (DBM) para sa ₱6.2 bilyong pondo.
Bukod naman dito, himihirit na rin ang DA ng karagdagang ₱10 bilyon para sa El Niño response sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program (NEP).