Lumampas na sa epidemic threshold ang bilang ng mga kaso ng dengue sa lalawigan ng Sorsogon, ayon sa datos ng Department of Health (DOH) Bicol.
Dahil dito, pinangunahan ng Provincial Health Office ang isang emergency meeting nitong September 8, kasama ang mga kinatawan ng mga district at Medicare hospitals, gayundin ang mga city at municipal health offices at rural health units sa buong lalawigan.
Tinalakay sa pulong ang mga hakbang upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng dengue cases sa Sorsogon.
Naglatag ang PHO ng mga konkretong hakbang para mapaigting ang disease surveillance, response at prevention efforts, at mapigilan ang patuloy na pagtaas ng mga kaso.
Muling nanawagan ang mga awtoridad sa publiko na maging alerto, panatilihing malinis ang kapaligiran, at agad na magpakonsulta kapag nakararanas ng mga sintomas ng dengue.
📸 Sorsogon Provincial Information Office